Kakai sa mga basher: Hindi bakla si Ahron Villena! Tigilan n’yo na siya!

AHRON VILENA AT KAKAI BAUTISTA

AHRON VILENA AT KAKAI BAUTISTA

“HINDI bading si Ahron (Villena)!”

Ito ang pagdedepansa ng komedyanang si Kakai Bautista sa hunk actor laban sa mga bashers. Naging kontrobersiyal ang binata dahil sa kanilang rumored romance ni Kakai.

Patuloy kasing bina-bash si Ahron ng mga netizens sa social media matapos nitong i-“friendzone” si Kakai pagkatapos daw paasahin ang komedyana na mauuwi sa isang seryosong relasyon ang kanilang espesyal na pagkakaibigan.

Mas lalong umingay ang isyu sa dalawa nang burahin na ni Ahron sa kanyang Instagram account ang mga pictures nila ni Kakai na magkasama. Ang hula ng marami, nagkanya-kanya ng buhay ang dalawa dahil sa kinauwian ng kanilang relasyon.

Mukhang hindi na nakatiis si Kakai sa mga patutsada ng bashers sa kanila ni Ahron kaya sinagot na niya ang ilan sa mga ito. Ayon sa komedyana, hindi raw niya kailangan ng lalaki para maging masaya sa buhay.

Kaya sana raw ay tigilan na ng ilang netizens ang panlalait at pambabastos sa kanyang kaibigan dahil maayos naman daw ang samahan nila ngayon.

May isa namang basher na nagsabing marami namang ibang lalaki riyan na pwede niyang maging dyowa at hindi raw kawalan ang isang gay na tulad ni Ahron.

Sagot ni Kakai, “FYI po he’s not gay.”

Dagdag pa ng tinaguriang Dental Diva, “Stop judging him because he has done something that does not agree with your norms and standards. I know him better than you do. God bless. Let’s just all move forward and be happy.”

Para naman sa mga followers niya na nagsasabing sana raw ay maging okay na siya, ito ang tugon ng dalaga, “I don’t have any reason not to be OK. I take pain differently from yours. So stop talking like it’s gonna be the end of the world for me.”

Read more...