Ika-5 panalo habol ng Rain or Shine Elasto Painters

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Rain or Shine vs Phoenix Petroleum
7 p.m. NLEX vs Globalport

MAHABLOT ang ikalimang panalo ang tatangkain ng Rain or Shine Elasto Painters kontra Phoenix Petroleum Fuel Masters sa kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup elimination round game ngayong alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa ikalawang laro na gaganapin dakong alas-7 ng gabi, hangad din ng NLEX Road Warriors na makubra ang ikalimang panalo sa pagharap sa Globalport Batang Pier.

Galing ang Rain or Shine sa 114-103 kabiguang pinalasap ng Tropang TNT at sasandalan ni Elasto Painters mentor Joseller “Yeng” Guiao sina Mo Charlo, JR Quiñahan, Jericho Cruz, Maverick Ahanmisi, Jeffrei Chan, Chris Tiu at Gabe Norwood para makabangon ang koponan.

Magmumula naman ang Phoenix Petroleum sa 124-120 overtime panalo kontra Blackwater noong Miyerkules.

Sasandigan ni Fuel Masters mentor Koy Banal sina Kevin Pinkney,  RR Garcia, JC Intal, Willy Wilson, Marnel Baracael at Joshua Urbiztondo para makuha ang ikaapat na panalo.

Pipilitin naman ng NLEX na makadalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Globalport.

Read more...