Mark Neumann iwas na iwas sa mga showbiz reporter

MARK NEUMANN

MARK NEUMANN

MARAMING kapwa namin manunulat ang naninibago ngayon kay Mark Neumann. Hindi nagbago ang kanyang mga katangiang positibo, kahit pa kilalang-kilala na ngayon ang tisoy na young actor ay mapagkumbaba pa rin siya, walang kaangas-angas si Mark Neumann.

Napansin lang ng aming mga katrabaho na parang mailap ngayon ang bumibida sa Tasya Fantasya ng TV5 at Viva Entertainment sa mga press people. Kung dati’y magiliw at malapit sa mga reporters ang guwapong young actor, ngayon ay parang dumidistansiya na siya, kapansin-pansin ang kanyang pagbabago.

Pero pagsalo naman ng isang malapit kay Mark, “Walang kasupladuhan sa katawan si Mark, medyo nandu’n pa rin siguro sa system niya ang pagkahiya dahil sa lumabas niyang sex video.

“Aminado naman siya du’n, human error ang sabi niya, napakabata pa kasi niya nu’ng mangyari ang pagiging marupok niya,” depensa ng aming source.

Sa dami ng naglabasang sex video kamakailan ay tanging si Mark Neumann lang ang umamin, ang lahat ng kasabayan niya ay nagdesisiyong manahimik na lang, kaya maraming humahanga sa katapangan ng guwapong tisoy na aktor ng TV5.

Read more...