‘Photo scandal’ ni Enrique kalat na, pinagpiyestahan sa Facebook

ENRIQUE GIL AT KEAN CIPRIANO

ENRIQUE GIL AT KEAN CIPRIANO

HOW true may napagsabihang member ng production staff ng programang Dolce Amore dahil nakunan ng hindi kagandahang “anggulo” si Enrique Gil habang nakahiga.

Nakasuot si Tenten (karakter ni Enrique sa serye) na naka-shorts sa taping ng Dolce Amore at kinunan ito sa maling posisyon dahil bakat na bakat daw ang pagkalalaki ng aktor.

Base sa kuwento sa amin, “Habang kinukunan ang eksena ni Quen, may kumuha ng litrato hindi alam kung sino tapos hayun, ipinost sa social media, pinagpipiyestahan na.”

Nabanggit pa ng aming source, “Nagtataka lang baka may fan na nanonood ng taping o ‘yung mga nasa paligid at kinunan ng litrato, hindi naman kasi maiiwasan ‘yun na may mga nakakapanood. Lalo na kung nasa location ka.”

Para sa amin ay okay lang ‘yun dahil lalaki naman si Quen at wala naman siyang ginawang masama, sadyang pinagtripan lang siya ng kumuha at ikinalat sa social media ang photo.

Hindi nga lang maganda ang nabasa naming mga komento dahil nadamay pa si Liza Soberano na wala namang kinalaman sa litrato.

Read more...