Nadine: Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa sa akin ni James sa Paris!

james reid

SUPER cheesy talaga ang magdyowang James Reid at Nadine Lustre. Halos mamatay na kasi sa inggit ang mga netizen sa mga litrato ng dalawa sa social media na kuha sa iba’t ibang lugar sa Europe.

Nandoon sina James at Nadine para sa kanilang world tour at para na rin makaikot sa mga tourist and romantic destinations, partikular na sa Paris na matagal nang gustong mapuntahan ng dalawang Kapamilya stars.

Isa sa mga nag-trending na larawan ng magdyowa sa Instagram ay ang surprise date ni James para sa kanyang girlfriend. Sey ni Nadine, isa ito sa mga sorpresa sa kanyang buhay na hinding-hindi niya malilimutan.  Ang sabi raw sa kanya ni James ay mag-iikot lang sila sa Jardin du Luxembourg sa Paris para makapagpa-picture.

Wala siyang kaalam-alam na may pasabog pala ang kanyang boyfriend na talagang ikinaloka niya.
“Yung mga favorite ko na cheese, ‘yung mga favorite ko na cold cuts – may orange juice na favorite na favorite ko! At mayroon rin flowers,” kuwento ni Nadine sa kanilang followers sa London.

Dagdag pa ni Nadine, iyon na raw ang “most romantic” surprise ni James sa kanya mula nang simulan nila ang kanilang “JaDine In Love” world tour na nagsimula sa Middle East hanggang sa Europe.
Samantala, nag-trending agad ang unang teaser ng much-anticipated movie ng JaDine na ipalalabas na ngayong summer, ang “This Time”.

Sa kuwento, gaganap sina James at Nadine bilang childhood friends na sina Coby at Ava, na nagkikita lamang tuwing summer vacation. Winner agad ang hugot line ni Jadine para kay James sa short trailer ng movie na, “Ayaw ko nang kausap iyong monitor. Ayaw ko nang kayakap iyong iPad.

Ayaw ko nang ka-holding hands or ka-kiss iyong cellphone.” Ang “This Time” ay sa direksiyon ni Nuel Naval under Viva Films. Kasama rin dito ang Viva talent na si Bret Jackson.

Read more...