Jasmine di na pinahirapan ang bagong BF, sinagot agad

jasmine curtis

Kasama ang pamilya at rumored boyfriend na si Jeff Ortega, nagpunta si Jasmine Curtis-Smith sa Angeles, Pampanga para doon mag-Holy Week. Nag-post si Jasmine ng photos sa kanyang Instagram account, one showing her sister, dad and Jeff playing ungguy-ungguyan.

Another one showed Jasmine wearing a black one-piece swimsuit habang kayakap si Jeff. This was how she captioned the photo, “So much to be thankful for this Holy Week. Never underestimate the power of prayer. Always put God first and the rest will follow!”

With that photo ay marami ang nag-assume na dyowa na ni Jasmine si Jeff. Kasi naman, parang cozy na siya with that guy, may payakap-yakap na siya. Parang ang daling nakalimutan ni Jasmine si Sam Concepcion, ha. At parang ang bilis niyang sinagot si Jeff.

Based on the photo that we saw, imposibleng hindi pa sila magdyowa ni Jeff, ‘no! “Parang never kong nakitang nagpost si Jasmine kasama si Sam and her family,” one guy reacted on a photo. Oo nga, napansin ko rin ‘yun.

And according to a source, botong-boto raw si Anne Curtis at ang iba pang members ng kanilang family sa bagong dyowa ni Jasmine. Kaya siguro nasabi ni Jasmine na God is good dahil nga tanggap na tanggap ng kanilang family ang bago niyang karelasyon.

Nagtaray naman ang isa who said, “Starlet who spends more time looking for a boyfriend than improving her acting skills, nega attitude and fans.” Sinopla naman ito ng isang guy who said, “Di hamak na mas magaling yan umarte kesa sa ibang pabebe dyan! Best supporting actress yan sa Cinemalaya. Talagang di Lang sya sikat pero she can act.”

Read more...