Insecure sa gustong ligawan | Bandera

Insecure sa gustong ligawan

Pher Mendoza |March 30,2016
facebook
share this

Insecure sa gustong ligawan

Pher Mendoza - March 30, 2016 - 03:00 AM

HELLO po, Manang.

Magandang araw po ako po si Malcolm ng Cabuyao, Laguna, 22, at hanggang ngayon ay
single.

Ngayon po ay may gusto akong ligawan pero mayaman siya at may pinag-aralan at maganda sya. Ako naman ay kabaliktaran niya.

Ngunit may ilang nagsasabi na tigilan ko ang binabalak kong ligawan ang aking kaibigan. Dahil madaming nanliligaw dito naka level nya at ako raw ay walang magiging pag-asa. Dapat ko po bang pakinggan sila at tuluyang isantabi na lang ang aking nararamdaman sa aking kaibigan?

Payo po, please. Salamat

Malcolm, Cabuyao

 

Hello Malcolm ng Laguna! Alam mo, naniniwala ako sa kasabihang “you will never know unless you try”.

Malcolm, tandaan sa larangan ng pag-ibig, ang sincerity, pagiging tunay na tao at pagkakaroon ng pangarap sa buhay ay masasabing x-factor din hindi lamang estado sa buhay o panlabas na kaanyuan ang sukatan.

Sino ang makapagsasabi kung sino ang nakatadhana para sa atin hindi ba? If you really like her, go for it.

Alamin mo ang pagkatao ng nagugustuhan, kilalanin mo s’ya upang makuha mo ang kanyang kiliti. Malay mo, ‘di ba? In life, we have to take chances because sometimes it’s worth it.

 
Payo ng tropa

Hello Malcolm,
Dapat ilabas mo ang tapang mo, hehehe… Huwag kang matakot ligawan kung sino talaga ang tinitibok

ng iyong puso.

Ano naman kung mayaman siya, ‘di ba? Ang mahalaga ipakita mo na kaya mo rin maging mayaman (kahit hindi lang sa materyal na bagay) at maging masipag. Magtiyaga ka sa pagtatrabaho mo. Hindi ba, mas maganda sa pakiramdam na sa sariling pagod at paghihirap ka uunlad? Determinasyon at lakasan lang din ang loob.

Subukan mo pa rin magpa-cute sa kanya. Malay mo bumigay din siya, wala namang masama kung liligawan siya, pero you need to accept kung positive or negative ang magiging outcome nito, ha?

Good luck and God bless you!

Ate Jenny

Malcolm, sa mga sinasabi mo para ngang dehado ka. Pero nasusubok ang tapang ng lalaki kapag kumilos na.

Bakit hindi mo subukan? Wala namang mawawala sayo, at least naipahayag mo ang damdamin mo.

Ipakita mo lamang ang sinseridad mo at handa kang gawin ang kahit ano para sa kanya at talagang mabuti ang iyong hangarin para sa kanya. Dapat lang maging handa ka sa kahit anong posibleng mangyayari. Good luck sa iyong panliligaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Katropang Djan
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending