MUKHANG nairita ang aktres na si Claudine Barretto sa ilang netizens dahil pilit umanong ipinagkukumpara ang anak niyang si Sabina at anak ni Judy Ann Santos na si Yohan.
Sa latest post ni Claudine, hindi na niya naitago ang pagkabanas niya at pinagsabihan niya nang matindi ang mga bashers niya at ng kanyang kaibigang si Judy Ann.
Pinagpipilitan kasi ng ilang bashers na ikumpara sa isa’t isa ang anak ng dalawang magaling na aktres.
“To those who keep comparing my daughter Sabina and Juday’s daughter Yohan, please stop nyo po yung kababawan nyo. FYI po Judy Ann and I have always been friends! And FYI AKO PO ANG TUMULONG AT NAG AYOS NG PAPERS NI YOHAN!!!”
“Hindi po ito competisyon mga nanay lang po kami nagkakaisa at nagtutulungan. Uulitin ko po, ako po ang nag AYOS NG PAPERS NI YOHAN. Yan po ang bond na shina share namin na hindi nyo po alam. My respect for Juday as a mother and her respect for me as a mother will forever be appreciated. Eto po ang totoo na di namin kailangan ipagmalaki na sa makikitid ang utak sana maintindihan po ninyo. Godbless u all,” litanya ni Claudine sa kanyang post.
Kaliwa’t kanan naman ang pakikisimpatya ng kanyang mga fans at naghayag din ng supporta kay Claudine.
MOST READ
LATEST STORIES