Kim muntik mag-walkout sa GGV sa sobrang takot

KIM CHIU

KIM CHIU

HALOS mag-walkout na si Kim Chiu sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday sa ABS-CBN.

Nabiktima kasi ni Vice Ganda ang lead star ng Primetime Bida series na The Story Of Us nang mag-guest ito sa GGV noong Linggo para i-promote ang kanyang first major concert.

Ayon kay Vice, balak sana nilang regaluhan si Kim ng pet dog para sa kanyang 10th year sa showbiz.
Tanong ng TV host-comedian, “Mahilig ka ba sa aso?” Na sinagot naman ng girlfriend ni Xian Lim ng, “May aso ako, pero okay lang.”

Ayon pa kay Kim, favorite dog daw niya ang Pomeranian. Dito na tinanong ni Vice ang aktres kung anong mga hayop ang ayaw niya.

“Pusa,” agad na sagot ni Kim sabay sabing, “Yung itim, na yellow ‘yung mata.”

Pagkatapos magsalita ni Kim, biglang sumulpot sa stage ang isang lalaking naka-costume ng pusa at nilapitan ang Kapamilya actress mula sa kanyang likuran. Talagang mapasigaw ang aktres sa sobrang takot.

Biglang tumayo si Kim mula sa kanyang upuan at nag-wave sa studio audience na akmang magwo-walkout. Tawa naman nang tawa si Vice sa naging reaksiyon ng dalaga sabay dialogue ng, “Uy, magpro-promote ka pa!”

Samantala, marami ang tumutok sa muling pagpapalabas ng mga unang episode ng The Story Of Us nina Kim at Zian na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN at in fairness, magagandang comment ang nabasa namin sa social media mula sa netizens na nakapanood nito.

Ngayong linggo, abangan kung muli na ngang magkakasama sina Tin at Macoy sa Amerika. Tutukan ang mas marami pang pagsubok na dadaan sa buhay ng dalawang karakter na tiyak na ikaka-shock ng viewers. Sigurado rin kami na maraming OFWs ang naaadik na sa The Story Of Us dahil talagang kuwento nila ang tema ng serye.

Read more...