SINGER ako, at wala akong alam sa politics, aminin na natin ‘yan!”
Iyan ang ipinagdiininan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nang tanungin ng press kung may balak ba siyang sumabak sa politika in the future. Ayon sa misis ni Ogie Alcasid, hinding-hindi raw siya papasok sa isang bagay na alam niyang mapapahiya siya.
“I’m a singer, ‘Yan, alam na alam ko ‘yang gawin. I’m also an actor. Wala akong kaalam-alam sa politics, aminin na natin ‘yan. Wala akong alam.
“So, hindi ko kaya ‘yun, ‘yung magpanggap ako na papasukin ko ang isang field na wala akong alam.
Tapos, may katamaran din ako. Ayokong pag-aralan ‘yun. Kasi, parang… what for?” ang diretsong pahayag ng Songbird at lead star ng bagong GMA Telebabad series na Poor Señorita na nagsimula na kagabi.
Hirit pa ni Regine, “Hindi ko naman ‘yan field. So, ayokong ma-stress.”
“Saka, alam n’yo, lahat ng ginusto kong gawin sa buhay ko, ginawa ko na. And now that I have a son who’s such a gift, why would I want to complicate my life and suungin ang isang lugar na hindi ko kabisado.
“Parang galing na ako du’n, ang industry naman natin, maraming pasikot-sikot. Okay na ako du’n. Eh, ang showbiz, parang politics din, you have to admit, right? But politics is different, it’s so much worse than our industry, so I don’t even wanna go there,” litanya pa ng leading lady ni Mikael Daez sa Poor Señorita.
May nagtanong naman sa singer-actress kung papayag ba siyang pumasok sa politika ang asawang si Ogie, aniya, “Ako, may ayaw talaga pero sinabi ko sa kanya, ‘if you decide to run for something, to be a politician, I will support you.’
“Ayoko siyang pigilan kung ‘yun ang nasa puso niya, parang ayoko ‘yun. Hindi ‘yun ang role ng isang asawa. Ang role ng isang asawa is to be there, to be supportive of your husband, and I wanna be that,” dagdag pa ng mommy ni Nate.
Dagdag pa ni Regine, mas type ni Ogie ang maging public servant kesa politician, “Mabait ang asawa ko, eh. Mahihirapan siya na gusto niya lahat matuwid. Parang mahirap ‘yun, eh. Marami siyang makakaaway,” chika pa ng Songbird.
Muling ipinagdiinan ni Regine na ang pagsuporta nila kay Sen. Grace Poe sa darating na presidential elections ay walang involved na pera, “Kung sino ‘yung susuportahan namin, walang kapalit na kahit ano ‘yun. Walang posisyon, walang pera because we do not believe in that.”
Samantala, sa second episode naman ng Poor Señorita ngayong gabi sa Telebabad, ipinaalam na ni Rita (Regine) sa kaniyang mga empleyado na may taning na ang buhay niya. Malulungkot ang ever-loyal niyang secretary na si Maika (Sheena Halili). Pero ang ibang mga empleyado masayang-masaya na mawawala na si Rita.
Kumunsulta si Rita sa ibang doctor to seek a second opinion para sa kaniyang sakit.
Si Rita ay NBSB (No Boyfriend Since Birth). Bilang consolation, sinet up siya ni Maika to a blind date sa may-ari ng isang hotel. Sa una, tatanggi si Rita sa alok ni Maika pero papayag din ito sa wakas.
Pagdating ni Rita sa hotel para sa kaniyang blind date, mapagkakamalan niyang si Paeng (Mikael) ang ka-date niya. Maski si Paeng mapagkakamalang si Rita ang ka-blind date niya na sinet up para sa kaniya ng kaibigan niyang si Jordan (Ervic Vijandre). Mae-enjoy nila ang time nila together at mauuwi ito sa pagtatalik.
Kinabukasan, makakasalubong ni Rita si Raphael (Dingdong Dantes), ang tunay na may-ari ng hotel at
Gulantang si Rita!