AdMU binulabog ng bomb threat

Ateneo-Statement
BINULABOG ng bomb threat ang Ateneo de Manila University (AdMU)-Loyola Heights campus kaninang umaga, dahilan para suspindehin ang klase at pasok sa unibersidad.

Sa tweet ng student newspaper ng AdMU na The Guidon, sinabi nito na pinalabas ang mga estudyante at mga miyembro ng faculty mula sa mga gusali ganap na alas-9 ng umaga

Inatasan sila na magtipon sa Bellarmine Field sa baseball field ng unibersidad.

Pinakalat ang mga miyembro ng Quezon City Police District Explosive Ordnance Division at Bureau of Fire Protection sa unibersidad para imbestigahan ang insidente.

Sinabi ni AdMU Vice President for Loyola Schools John Paul Vergara na sinuspinde ang klase at ang pasok ng mga empleyado dahil sa nangyaring bomb threat.

“We are officially calling off classes and work. We went with the evacuation procedures,” sabi ni Vergara.

Sa isang opisyal na pahayag ng unibersidad, sinabi nito na natanggap ang bomb threat ganap na alas-8:30 ng umaga.

Inatasan ang QCPD Explosive Ordnance Disposal at QC station 9 police na suyurin ang buong paligid at mga gusali sa loob ng unibersidad.

Read more...