Pangarap na CPA matutupad ba?

Sulat mula kay Benilda ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
Nagta-trabaho ako sa ngayon sa isang lending company bilang accounting clerk. Isang beses na po akong nag-take ng CPA board exam noong taong 2014, kaya lang bumagsak ako. Nais ko sanang kumuha uli ng CPA board exam next year sa 2017. Favorable kaya sa akin ang 2017 para kumuha ng CPA board exam at sa ikalawang pagkakataon makakapasa na kaya ako? Pangarap ko ring mag-abroad balang araw, kaya gusto ko ring malaman kung makapag-aabroad ba ako at kung susuwertehin kaya ako sa abroad kung sakaling makapag-abroad ako? December 10, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Benilda Lagao, Gen San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang pagiging tuwid at hindi naman huminto na Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, na kinumbinasyunan ng malinaw ding Effort Line ( 2-2 arrow 2.). Tanda na sa ikalawang pagtatangka na maging CPA tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2017 sa nasabing pagsusulit maluwalhati ka ng makakapasa!
Cartomancy:
Seven of Clubs, Ten of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakapasa ka na sa CPA board exam sa darating na taong 2017, lalong gaganda ang iyong career at propes-yon at lalong sasagana ang aspetong pang-pinansyal hanggang sa magkaroon ka ng maraming savings at iba pang materyal na bagay na maipupundar.
Itutuloy

Read more...