Hindi tinipid ng GMA 7 ang comeback series ni Regine Velasquez sa Telebabad block titled Poor Señorita na magsisimula na ngayong gabi. Sa pilot week pa lang ng serye ay ipakikita na ang eksena ng Asia’s Songbird kung saan sasakay siya ng helicopter bilang si Rita Villon kahit ito’y simpleng araw lang para sa kanya.
“Talagang kapag namamalengke ako, kailangan akong mag-helicopter. Siyempre, kasi mayaman siya,” kuwento ni Regine. Bukod dito kaabang-abang din daw ang mga nakakawindang ngunit nakakaaliw na punchlines ng kanyang karakter bilang isang super rich na girl.
Ayon kay Regine, ang peg daw niya sa kanyang karakter sa serye ay si Miranda Priestly, ang karakter naman na ginampanan ng award-winning Hollywood actress na si Meryl Streep sa pelikulang “The Devil Wears Prada” kasama si Anne Hathaway.
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ngayon ng misis ni Ogie Alcasid dahil matagal na rin siyang nagpahihga sa paggawa ng serye. Bukod dito nagkakaroon din daw siya ng “sepanx” o ang tinatawag na separation anxiety sa kanyang anak na si Nate.
Nagpapasalamat nga raw ang Kapuso singer-actress na matalinong lumaki at thoughtful si Nate, na maglilimang taong gulang na ngayon. “I went home after taping. I was not feeling very well and he wanted to play with me.
Humiga ako sa kama kasi talagang hilong-hilo ako. Sabi niya, ‘Okay mommy, you’re tired. I’ll give you massage,'” kuwento ni Regine. Bukod sa leading man ng Songbird sa Poor Señorita na si Mikael Daez, makakasama rin sa Poor Señorita sina Sheena Halili, Jaya, Snooky Serna, Valeen Montenegro, Sid Lucero, Miggs Cuaderno, Ayra Mariano, Elyson de Dios, Kevin Santos at marami pang iba.