NAG-CELEBRATE na ng kanyang 20th birthday ang Kapamilya young actress na si Kathryn Bernardo. Kung natuloy ang unang plano ni Kathryn, isang simple at private birthday party lang ang naganap na dinaluhan ng kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan, at siyempre ng kanyang rumored boyfriend ang screen partner na si Daniel Padilla.
Ngayong 20 years old na ang Kapamilya actress, i-naasahan ng kanyang fans na mas magiging palaban na ang dalaga sa mga gagawin niyang proyekto. May mga nagsasabi rin na it’s about time for her to do daring and mature roles na ikasa-shock ng publiko.
Ine-expect din ng mga televiewers na gagawa na rin ng mga proyekto sina Daniel at Kathryn kung saan maipakikita nila sa madlang pipol ang kanilang versatility as actors. Sey naman ng ilang KathNiel supporters dapat daw mabigyan ang dalawa ng isang teleserye na mas matindi kesa sa Pangako Sa ‘Yo.
Sa pelikula, nangako si Kathryn na ang next big screen project nila ni Daniel ay ibang-iba sa past films nila. Sey nga ng dalaga, “Itotodo na namin ni DJ dito. Kailangang abangan nila iyan. Alam namin na hindi magiging madali ito pero gagawin namin lahat para mabigyan ng justice ang roles namin.”
Sa April na magsisimula ang shooting ng movie ng KathNiel na ididirek ng box-office director na si Cathy Garcia Molina.