Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang Cagayan kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:25 ng umaga.
Ang sentro nito ay apat na kilometro sa kanluran ng Santa Praxes. May lalim itong 44 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa bayan ng Claveria sa Cagayan at Pasuquin sa Ilocos Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending