Mark Herras baliw na baliw kay Winwyn Marquez

mark herras

Very vocal si Mark Herras sa kanyang nararamdaman kay Kapuso actress Winwyn Marquez.  Sa recent photo nilang dalawa na naka-post sa kanyang Instagram account ay kitang-kita kung gaano ka-in love ngayon ang dancer-actor sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Nilagyan pa ni Mark ng caption na “I LOVE YOU” ang litrato nila ni Winwn. Kaya naman kilig na kilig ang kanilang fans at followers dahil sa message ng Kapuso actor para kay Wyn.  Panay din ang pagpo-post ni Mark ng photos nila ng dalaga together kaya lalong lumakas ang hinala ng marami na may relasyon na ang dalawang Kapuso stars.

Ilang buwan na ang nakararaan nang mabalitang binasted ni Winwyn si Mark dahil kaibigan lang daw talaga ang turing nito sa binatang ama. Pero nagpursige pa rin ang aktor sa panunuyo kay Winwyn dahil talaga raw mahal na mahal niya ang aktres.

Marahil ay nagbunga na ang pagtitiyaga ni Mark para makuha ang matamis na “oo” ni Winwyn.
Nagkasama ang dalawa sa katatapos lang na GMA Telebabad series na Little Nanay na pinagbidahan nina Kris Bernal, Nora Aunor, Eddie Garcia, Keempee de Leon, Gladys Reyes at marami pang iba.

Read more...