Miggs, Mikoy, Jillian bibida sa anime series na Yo-kai Watch

mikoy morales

SIMULA March 28, mapapanood na sa GMA Network ang tinututukan at pinag-uusapang anime series sa Asya pati na rin sa North America ang Yo-kai Watch. Ang Yo-kai Watch ay kwento ng adventures ni Keita, isang batang lalaki, na habang naglalaro sa kagubatan ay makakakita ng isang capsule machine.

Sa pag-aakalang ito ay may lamang mga laruan, bubuksan niya ito at makikilala ang isang ispirito o yo-kai na nagngangalang Whisper. Magpapasalamat si Whisper kay Keita sa pagpapalaya sa kanya at bibigyan ito ng isang special item na tinatawag na Yo-kai Watch na may kakayahang makakita at makausap ng mga yo-kai.

Sasamahan sina Whisper at Keita ng yo-kai na pusa na si Jibanyan sa kanilang adventures upang kilalanin ang iba’t ibang klaseng yo-kai na maaari nilang maging kaibigan o kaaway. Samantala, sa kanilang school naman ay nahihirapan si Keita na mapansin ng kanyang hinahangaan na si Fumi.

Dahil madalas ngang ma-possess si Fumi ng mga yo-kai, tutulungan siya ni Keita at ito ang magiging daan upang mas magkakilala pa ang dalawa. Paniguradong mas mae-enjoy ng Pinoy anime lovers ang Yo-kai Watch dahil bibigyang buhay nina Miggs Cuaderno, Mikoy Morales at Jillian Ward, ang ilan sa characters sa well-loved anime.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng hit anime series na Yo-kai Watch sa GMA ngayong Lunes (hanggang Biyernes), 8 a.m. pagkatapos ng Dragon Ball Z.

Read more...