NAGBIGAY nang reaksyon si Albie Casino tungkol sa mga pahayag ni Arjo Atayde na ang karakter na Jigs na ginampanan niya sa natapos na seryeng On The Wings Of Love ay unang inalok sa Ang Probinsiyano star.
Ibig sabihin second choice lang si Albie bilang third wheel sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na nagbida sa OTWOL. Pero para kay Albie, deadma lang siya upon learning na hindi siya ang first choice sa role ni Jigs sa serye.
It really doesn’t matter daw, ang mahalaga siya pa rin ang nakakuha ng role. “Well, I could have been the first choice. I could have been 150th choice, I don’t care. All that matters is I was the one who played Jigs,” sagot niya.
Kasunod nito ay nilinaw ni Albie na wala namang isyu sa kanila ni Arjo. “No disrespect to Arjo Atayde. He’s a great actor. I watch him in Ang Probinsyano, ‘di ba? I guess, it’s a blessing in disguise rin kasi mas bagay talaga sa kanya ‘yung character niya sa Probinsyano.
And I think I really nailed Jigs,” diin niya. Thankful si Albie na naging bahagi siya ng OTWOL. Feeling niya dahil sa serye nina James at Nadine kaya sunud-sunod ang projects niya ngayon. Isa na riyan ang indie film about OFWs na “Magtanggol, Bagong Bayani” sa direksyon ni Sigfreid Barros-Sanchez produced by Felix & Bert Film Productions.
“Ako ang pinakabatang kapatid ng Magtanggol family. Tapos parang black sheep ang role ko sa movie. Pero ayoko kasing masyadong magbigay ng details, e,” ngiti ni Albie. “Magtanggol, Bagong Bayani” is Albie’s third indie movie.
So far, ang “Magtanggol” daw ang may pinakamalaking cast, story-wise at role na nasamahan niya for an indie film. “Working with Direk Sigfreid in this film, ah, he’s very open to a suggestion. I’m afraid to go up to him and ask him, ‘Direk, is it okey if I do this instead of this.’ ‘I don’t wanna do this.
I wanna do that.’ He lets me play my character which is I really like,” lahad ni Albie. Albie is the youngest brother of Tom Rodriguez and Ejay Falcon sa movie. Mother ni Albie sa movie ang aktres na si Dina Bonnevie at tatay naman niya ang veteran actor na si Joonee Gamboa.
“Si Tom, it was really a nice surprise working with him. He’s really nice pala, very approachable. Tutulungan ka niya sa eksena. Si Ejay naman mala-James (Reid). Quiet, pero mabait din naman. Approachable rin. We have different personalities,” sabi ng binata.
After ng OTWOL stint ni Albie, sumalang na agad siya sa set ng “Magtanggol.” Pero bago pa man matapops ang serye ay may nagawa na rin siya na isa pang indie film, ang “Triptiko.” Dahil din sa OTWOL nakaahon na raw siya sa intriga sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.
“Oo, kasi ngayon kapag, for example ngayon sa interview, ‘di ba? Hindi na talaga tinatanong sa akin. Minsan na lang and now, I don’t really care if I do the interview,” masayang sabi pa niya. Naiintindihan ni Albie na part ‘yun ng trabaho ng isang showbiz reporter na magtanong ng mga isyu.
“And ‘di ba, ako naman, ayoko siyang sagutin, ‘di ba, hehehe Mahirap din talaga. Pero now hindi na po talaga ako natatakot sa interview. I can, and I’m totally comfortable,” proud na sabi ni Albie.