KRIS: Kahit siguro senior citizen na boyfriend okay na, basta matalino!

kris bimbyMas type ni Bimby ang magkaroon ng lolo kesa bagong daddy

HALOS isang linggong nagkasakit si Kris Aquino.

Nasa Amerika pa lang daw sila ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby ay masama na ang pakiramdam niya at hanggang sa makauwi na nga sila dito sa Pilipinas ay hindi pa rin siya gumagaling.

Pero talagang kakambal na ni Kris ang pagiging professional dahil kahit masama ang pakiramdam ay humarap pa rin siya sa entertainment press para sa pocket presscon ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw kung saan makakasama nga niya sina Anne Curtis at Robin Padilla.

“Nu’ng Jan. 3 nagpunta yata kami sa Universal Studios with the kids, du’n yata nagsimula yung sakit ko. Kasi nu’ng Jan. 4 nag-Magic Mountain pa sina Bimb and Josh.

Hindi na nga ako sumama, dahil may nakita akong hotel du’n sa tabi, nagpaiwan talaga ako kasi ang sama-sama na ng lagay ko, doon muna ako natulog sa hotel,” unang kuwento ni Kris na may baon-baon pa talagang mainit na salabat sa presscon para naman sa kanyang lalamunan.

Pagpapatuloy pa ni Tetay, “Tapos nu’ng pauwi, parang one week na, pero hindi pa ako gumagaling.

Ang tibay-tibay nga ng mga kids, kasi hindi sila nahawa.

But everybody else, pati yung nagda-drive sa amin, lahat sila masama na rin ang pakiramdam, may ubo na sila.

Siguro kasi, bago pa pumunta doon, pagod na pagod na ako, so ito yata ‘yung singil.

Pero sulit naman ang lahat ng pagod, nag-enjoy naman ang mga anak ko.”

Natanong agad si Kris tungkol sa kanyang lovelife, talaga bang hindi na siya umaasa na magkakaroon pa ng bagong boyfriend?

“The truth is, who would not want to be in a stable committed partnership, di ba?

Pero kung wala na talagang darating, okay lang. Tanggap ko na rin naman.”

“Ito ha, sana hindi ito masamain ng ibang tao, pero sinabi ng sister kong si Pinky na they understand how difficult it is to even entertain anybody, kasi I’ll forever doubt kung bakit, and siguro I’ve been through enough in life, and there’s really a price you have to pay, and at this point, I don’t want to pay that price anymore,” paliwanag pa ni Kris.

So, talagang suko na ba siya sa pag-ibig? “Ayoko na talaga.

But I do believe in love, pero siguro it’s not meant for me.

Totoo, kasi parang sobra sigurong naibigay na sa akin ‘yung para sa akin ni God, na kung ‘yun ang hindi Niya ibibigay balanse na lahat.

“Siguro, kaya nga malakas ‘yung female audience ko, ‘yung iniisip nila na I don’t have everything, nakakabwisit naman kasi yung taong who has everything in life. Obviously, yung sa love department wala ako nu’n, so sa mata ng maraming babae, patas na tayo.”

“Actually, I wish meron talaga, especially, for my sons, kasi tinanong ko ‘yun kay Bimb, e, ‘You wish ba that we have a dad at home? Sabi niya, ‘I have a dad na.

Maybe mama, a lolo!’ Sabi ko, why naman a lolo? ‘So you won’t kiss him!’ Ah, okay! So, gets ko na!

“Pero honestly, naghahanap pa rin sila ng male figure sa house, totoo ‘yun, pero the kids are so possessive na ayaw nila ‘yung kini-kiss ko or something like that, kasi it means daw na in love ako du’n sa taong ‘yun kapag kini-kiss ko.

So, sige, huwag na lang,” natatawa pang kuwento ni Kris.

Kung gusto ni Bimby ng lolo, okay lang ba sa kanya na ma-in love sa isang matanda? “Ha-hahaha! Yeah, okay lang sa akin, kung sino ang darating, pero kung walang darating okay din.

Kahit senior citizen pa, kung distinguished naman at mukhang matalino, di ba?

Pero ayoko ng diplomat, kasi di ba, laging umaalis, laging nasa ibang bansa, so dapat lagi kaming kasama.

E, ayoko pang umalis dito. Gusto ko pang makasama ang mga sisters ko.”

Read more...