Kinumpirma ni Queen Mother na si Karla Estrada na hindi kakanta ang anak niyang si Daniel Padilla sa nalalapit niyang concert sa KIA Theater, Cubao sa April 30, ang “Her Highness: The Queen Mother in Concert.”
“O, ayan, pwede ko nang i-announce, hindi magge-guest si Daniel sa show. Pupunta lang daw siya doon para manood. Ayaw niyang kumanta,” pagri-reveal ni Karla pagkababa niya ng telepono kung saan nasa kabilang linya si Daniel.
Inamin ni Karla na pinagtawanan lang niya sa simula noong may mag-offer sa kanya na gawin ang concert produced by Cornerstone Concerts and co-produced by Aqueous Events and Smoovetimes Productions.
“When it was offered to me by a good friend, si Kate Valenzuela, pinagtawanan ko siya. Sabi ko, hindi ko ‘yan kaya. Ano bang nangyayari?’ Then, pinilit nila ako,” sey ni Karla and the rest is history na nga.
“Nu’ng next meeting namin, sa totoo lang, gusto ko nang mag-backout.
Ha-hahahaha! Sabi ko hindi ko yata kaya.” Karla will be joined by her closest friends from the limelight including her Your Face Sounds Familiar Season 1 performers at may special surprise guests pa.