Andi kay Jake: Puwede ka ngang mag-showbiz, ang plastik mo, eh!

andi eigenmann

SI Jake Ejercito nga ba ang tinarayan ni Andi Eigenmann sa isang mensaheng ipinost niya sa kanyang Twitter account kamakailan? “Pwede ka nga mag-showbiz. Ang plastic mo eh!” ang tweet ni Andi recently.

Sinundan pa ito ng, “Kahit naman sa 5 year relationship natin ‘just friends’ ang tayo eh. We aren’t even friends. We are nothings.” Ang paniwala ng ilang followers ng aktres ay si Jake ang pinatutungkulan niya sa kanyang mga mensahe, ito’y matapos ngang pumayag ang anak ni Mayor Erap Estrada na maging bahagi ng isa sa mga Lenten episode ng Eat Bulaga.

Nakasama ni Jake sa “God Gave Me You” episode sina Alden Richards at Maine Mendoza. Binura rin agad ni Andi ang kanyang mga post, ngunit na-screen grab naman ito ng ilang netizens kaya mabilis pa ring kumalat sa social media.

Ayon sa ilang bashers, hanggang ngayon ay talagang mahal na mahal pa rin ng aktres si Jake ngunit tila kabaligtaran naman ito ng napi-feel ng binata. Sa isang panayam, nang tanungin si Jake kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Andi, “we’re friends” ang isinagot nito na dinugtungan pa niya ng mga katagang, “without benefits.”

Ayon pa sa binata, almost two years na silang break ni Andi, at tumagal daw ang kanilang relasyon ng apat hanggang limang taon. Nitong nakaraang buwan, napabalitang magkasamang nagbakasyon sa Cebu ang ex-couple, ang akala nga ng marami ay nagkabalikan na sila ngunit idinenay nga ito ni Jake.

Read more...