Dagdag-sahod sa Semana Santa

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. May tatlong buwan pa lamang akong nagtatrabaho bilang IT sa isang internet shopping company sa Makati.

Maayos naman ang aking sweldo at malaking tulong sa ama ko na dinapuan ng lung cancer at kasalukuyang nagpapagamot.

Kamakailan lamang ay nag-abiso ang aming company na walang pasok ngayong darating na holyweek sa araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado.

Ask ko lang po sana kung magkano ang karagdagang sweldo na dapat makuha sakaling pumasok ako sa mga araw ito.

Carl Castillo

Brgy. Zapote, Las Pinas

REPLY: Para sa iyong katanungan, Carl, kabilang ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria sa mga tinatawag na special non-working days sa buong bansa.

Bunsod nito ay nararapat lamang na sundin ng mga employer ang wastong patakaran sa pagbibigay ng sahod at ang iba pang pamantayan ukol sa ligtas at malusog na manggagawa sa mga nabanggit na araw para na rin sa kagalingan at proteksyon ng ating manggagawa,

Ang wastong pasahod para sa regular holiday sa Marso 24 (Huwebes Santo) at Marso 25 (Biyernes Santo) ay ang mga sumusunod:

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, tatanggapin niya ang 100 porsiyento ng kanyang arawang sahod. (Arawang sahod + Cost of Living Allowance x 100%) Kasama ang COLA sa pagkukuwenta ng holiday pay.

Kung ang empleyado ay nagtrabaho, tatanggap siya ng 200 porsiyento ng kanyang regular na sahod para sa unang walong oras. (Arawang Sahod + COLA x 200%) Kasama ang COLA sa pagkukuwenta ng holiday pay.

Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay tatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang kita na 200 porsiyento. [(Arawang kita + COLA) x 200%] + 30% Arawang kita x 200%).

Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makatatanggap ng karagdang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Para sa special (non-working) day sa 26 Marso (Sabado de Gloria):

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no work, no pay” na alituntunin ang dapat ipatupad, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa special day.

Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw, siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho. (Arawang sahod x 130%) + COLA).

Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makatatanggap ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita sa unang walong oras. [(Arawang kita x 150%) + COLA].

Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makatatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)

USEC Nicon FameronagUSEC for Workers
Employability and
Competetiveness of
Enterprises Spokesperson
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...