Regine: Parang ayoko nang mabuntis, matanda na ako!

REGINE VELASQUEZ

REGINE VELASQUEZ

MASYADO na akong matanda para magka-baby uli!” Ito ang naging pahayag ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nang tanungin kung umaasa pa siyang magkakaroon ng kapatid si Nate.

Sa nakaraang presscon ng comeback teleserye ni Regine sa GMA, ang Poor Señorita na magsisimula na sa darating na Lunes, March 28, sinabi ng misis ni Ogie Alcasid na maligaya na sila na meron silang Nate sa kanilang buhay na apat na taong gulang na ngayon.

Ayaw na raw umasa ni Regine na muli siyang mabubuntis, medyo delikado na rin daw kasi kung sakaling magdalang-tao siya sa kanyang edad ngayon, “Forty-five years old na ako, e. Para kasing ang laki na ng gap. But if God gives us another child, I will be the happiest.

“Pero right now, parang ayoko na. Remember, you guys kept asking me before kung kailan kami magkakaanak na ni Ogie? ‘Lagi ko namang sagot, ‘Hindi ko alam.’

“Kasi, in my head, iniisip ko na baka hindi na nga ako magkaanak kasi majonders na ako. Pero binigyan pa rin kami, magrereklamo pa ba ako doon?” esplika ng nag-iisang Songbird na aminadong kinakabahan but at the same excited na sa pagbabalik niya sa primetime ng GMA.

Romantic-comedy ang napili niyang comeback series sa Kapuso network dahil dito naman daw siya nagsimula. Feeling daw kasi niya mahihirapan siya nang bonggang-bongga kapag sumabak siya sa matinding drama.

Mas okay daw ‘yung feel good lang para mas masaya at mas magaan ang vibes. Naniniwala rin ang Songbird na mas gusto ngayon ng mga manonood yung light lang pero makaka-relate sila sa kuwento. In fairness, sa trailer pa lang ng Poor Señorita, mukhang papatok ito sa viewers, lalo na’t maraming batang kasama si Regine sa serye.

Samantala, nang tanungin muli si Regine tungkol sa pagkalaglag ng una sana nilang anak ni Ogie, tumanggi na itong pag-usapan ang isyu. Tama na raw ‘yung naikuwento niya sa talk show ni Arnold Clavio sa GMA NewsTV.

“If you don’t mind, I don’t wanna talk about it na. Tutal it came out na. Baka ma-depress lang ako. I don’t wanna talk about it na.

“Hindi ko naman siya itinago, but it’s really very personal na I didn’t think na worthy pa… alangan namang i-announce ko pa. It’s just that si Arnold asked the right question that’s why it came out. If you don’t mind, I don’t wanna…well, I didn’t tell him the details. I just said that happened and that’s that,” paliwanag ng nag-iisang Asia’s Songbird.

This Holy Week naman, pahinga at bonding muna ang pamilya nina Ogie at Regine. Sa Boracay uli sila magbabakasyon ngayong weekend.

Read more...