Sulat mula kay Camile ng Matabao, Buenavista, Agusan del Norte
Problema:
- Wala po akong boyfriend sa ngayon pero may ka-chat po ako na isang foreigner. At mag wa-one year na ang relasyon namin. Balak nya daw pong mag-visit sa ating bansa this coming summer vacation, baka daw po sa buwan ng Mayo.
- Itatanong ko lang po kung matutuloy kaya siya sa pagbisita sa akin? Compatible po ba kami at siya na kaya ang makakatuluyan ko? Virgo po ako na isinilang noong September 14, 1989 at Taurus naman ang foreigner n aka chat ko na isinilang naman noong May 17, 1980.
Umaasa,
Camile ng Agusan del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2) ay nagsasabing compatible kayo ng foreigner na ka-chat mo na may zodiac sign na Taurus, dahil ang Taurus at Virgo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing may mga pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, kaya kapag kayo ang nagkatuluyan ng foreigner na ka-chat mo, siguradong makakarating ka sa abroad at maaaring sa bandang huli ay doon ka na rin manirahan.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na hindi masyadong bilugan at hindi rin masyadong pahaba, sa halip ay katamtaman lang, ang nagsasabing ang lalaking makakatuluyan mo ay maaaring payat na maputi hanggang sa balingkitan ang pangangatawan. Kung ganyan ang physical discretion ng lalaking ka chat mo, tiyak ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan.
Huling payo at paalala:
Camile sa ngayon mas makabubuting ituloy mo lang ang pakikipag-chat sa foreigner na ka chat mo dahil ayon sa iyong kapalaran, tiyak na matutupad ang pangako niya sa iyo na bibisitahin ka sa ating bansa, kung hindi sa buan ng Mayo tiyak na matutuloy siya sa buwan ng Disyembre sa taon ding ito ng 2016. At matapos ka nyang bisitahin, tuloy-tuloy na rin ngang mabubuo ang isang matimyas at masayang relasyon na hahantong sa inyong pagpapaksal sa susunod na taong 2017. At sa sandaling napangasawa mo na siya, tuluyan ka na rin niyang isasama sa ibang bansa, upang doon nyo na buoin ang isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.