Mar Roxas kinuyog ng mga netizen matapos ang ‘Muslim na mananakop’ na pahayag sa nakaraang debate

debate-duterte-poe-roxas
KINUYOG ng mga netizen ang pambato ng administrasyon na si Mar Roxs matapos namang tawaging “Muslim na mananakop” ang mga nasa likod ng paglusob sa Zamboanga City noong 2013.
“’Yan po ang mga casualty sa pagsisiguro na minimal ang mga civilian casualties doon sa pagsakop ng Zamboanga ng mga Muslim na mananakop,” sabi ni Roxas nang tanungin ni Sen. Grace Poe sa kanilang debate sa University of the Philippines (UP) Cebu kung bakit kinailangan pa ni Pangulong Aquino na personal na pumunta sa Zamboanga matapos ang paglusob ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
“Will I hear our LP Muslim friends rebuke Mar on his spontaneous statement, ‘mga Muslim na mananakop’? I hope Mar will apologize for such a wrong statement. Or are you (Mar Roxas) simply pointing that Muslims in Mindanao are not Filipinos?”sabi ni Zed Dituculan sa isang post sa Facebook.

Nagpakilala pa si Ditucalan, bilang isang abogadong Muslim.
“But the context of the statement, Mar. The context. You just painted how you perceive the Muslims in the south. I am afraid that you might be the greatest enemy of the Muslim Filipinos if you get elected President. You just Trumped my admiration,” dagdag ni Ditucalan.
Sinabi naman ng isa pang Facebook user na si Ahmad Javier na “Lumalabas sa bibig ang laman ng puso.” Umabot sa 542 ang share ng kanyang post at umabot ng mahigit isang libo ang naging reaksyon.
Nais namang turuan ni Iyyah Sinarimbo si Roxas kaugnay ng kasaysayan ng Mindanao.
“Clearly, you know nothing about the true meaning of being a Muslim and the true essence of Islam for you to easily generalize the people part of the community,” sabi ni Sinarimbo sa kanyang Facebook.
Umani rin ng mga batikos si Roxas sa Twitter.
“I’m making a big fuss about Mar’s statement Muslim na mananakop. It shows how he perceived Muslims. #PiliPinasDebates2016,” sabi ni @attysamina sa kanyang tweet.
“Muslim na mananakop” nice choice of words Mar. You really know how to let people hate you. #PiliPinasDebates2016,” ayon naman kay Len (@len_21)
“Mga Muslim na mananakop. Fallacy of Converse Accident! Enough with the stereotyping sa mga Muslims already! #PiliPinasDebates2016?” ang tweet naman ni Elmar Jobguia Jr. (@elmartensitic).

Read more...