Pagbubuntis ni Jennylyn false alarm; Dennis nakaligtas sa responsibilidad

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

BUNTIS nga ba si Jennylyn Mercado courtesy of her boyfriend Dennis Trillo? Kumalat ang isyung ito matapos ngang maospital ang aktres kamakailan na naging dahilan daw para ma-delay ang shooting na pelikula nila ni John Lloyd Cruz.

Tinanong ng katotong Vinia Vivar ang manager ni Jen na si tita Becky Aguila tungkol dito, at natawa lang nang marinig ang tsika.

“Ano ba ‘yan? May hormonal imbalance si Jen due to stress, inadequate nutrition at kulang sa rest and sleep. She is not pregnant. Jen has health issues,” katwiran ni tita Becky.

Paano mabubuntis si Jennylyn e, busy nga siya sa shooting ng pelikula nila ni Jonh Lloyd na may titulong “Just The 3 Of Us” na ipalalabas na sa darating na Hunyo ngayong taon mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina produced by Star Cinema.

At balita namin, may next teleserye na siyang uumpisahan sa GMA this year din.

Samantala, ngayong March 26 (Black Saturday) na mapapanood ang Lenten special ni Jen sa APT Entertainment, ang “Pagsubok” kasama si Tom Rodriguez, 7:30 p.m.

Read more...