Heart: Kahit pagod, kailangang pagsilbihan ko ang asawa ko!

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

“ANG buhay mag-asawa, dapat talaga um-effort ka!” Ito ang mensahe ng bagong teleserye na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo, ang Juan Happy Love Story na nakatakdang ipalabas this coming May.

Kakaiba nga raw ang tema ng seryeng ito dahil ayon kay Heart, ito ang first time na sasabak siya sa isang romantic comedy series na medyo sexy.

Dagdag pa ng Kapuso actress, talagang naniniwala siya sa gustong iparating ng serye dahil totoo naman talagang kapag mayroon ka nang asawa, dapat lang na mag-exert ng effort si misis, at lalo na si mister.

“Siyempre kapag mahal mo ang isang tao kailangan talaga kahit pagod na pagod ka, gustong-gusto mo siyang makita. Excited ka sa bonding moments n’yo,” sey ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Ngayong campaign season, give and take silang mag-asawa. Kung noon, madalas na si Sen. Chiz ang naghihintay sa kanyang makauwi, ngayon daw ay panay na ang larga nito para mangampanya. Kaya ngayon, mas madalas nang si Heart ang naghihintay sa mister na makauwi.

Pero aniya, kahit super busy na rin siya ngayon sa kampanya at taping ng soap nila ni Dennis, ay hindi pa rin niya nakakalimutang pagsilbihan ang asawa.

“Lagi niyang sinasabi basta mainit ang pagkain, masarap. So pagdating ko minsan kahit ‘di ako makapagluto, kailangan, iinitin yung pagkain. Ganu’n lang, happy na siya doon,” kuwento ni Heart.

Aminado man ang aktres na mas magaling magluto ang kanyang husband ay tina-try pa rin niyang mas sarapan pa ang kanyang luto.

Read more...