ITINANGGI ng University of the Philippines ang kumakalat sa Facebook na idineklara ng UP si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang persona non grata
Sa isang pahayag, sinabi ni UP Vice President for Public Affairs Prospero De Vera na walang katotohanan ang sinasabi ng isang post sa Facebook na naglabas umano ng resolusyon laban kay Duterte ang Board of Regents, ang pinakamataas na policy-making body ng UP.
“In very clear and in no uncertain terms, the university would like to make it known that the Board of Regents has not made any such issuance. There has been no resolution of such nature passed by the Board,” sabi ni De Vera.
Tinawag pa ni De Vera na malisyoso ang post sa pagnanais nitong kaladkarin pangalan ng UP sa politika.
“As the national university, UP is non-partisan and does not support nor hold adversarial views against any candidate,” ayon pa kay De Vera.
Idinagdag ni De Vera na nagsasagawa na ng imbestigasyon kaugnay ng isyu, kasabay ng pagsasabing na kakasuhan ang nasa likod ng post.