Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.6 ang Surigao del Norte kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:26 ng umaga. Ang sentro nito ay 11 kilometro sa silangan ng bayan ng Del Carmen.
May lalim itong 26 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity I sa Surigao City.
Samantala, lumindol din sa Davao Occidental alas-5:47 ng umaga at may lakas itong magnitude 4.4. Natunton ang sentro nito 46 kilometro sa kanluran ng Sarangani.
Gumalaw ang tectonic plate sa lugar sa lalim na 179 kilometro kaya hindi ito naramdaman sa ibabaw ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.