Accountant wagi ng P10M sa lotto

lotto for site
Matapos ang 10 taong pagtitiyaga, tumama ng P10 milyong jackpot ng Lotto 6/42 ang isang accountant.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay lalaki, 38-taong gulang, may-asawa at dalawang anak. Siya ay taga-Maynila.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 20-06-27-38-22-04 sa bola noong Marso 12.
Nakuha niya ang mga numero sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay, edad at kanilang wedding anniversary.
Ang nanalo ay tumaya ng System 7 ng manalo, o pitong numero ang kanyang pinili sa halip na anim. Nagkakahalaga ito P280.
Plano ng nanalo na magtaya ng kanyang sariling negosyo gamit ang napanalunan at itabi ang bahagi nito para sa kanyang mga anak.

Read more...