Palaging tuwang-tuwa ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kapag may mga naglalabasang photos na magkasama sila on a date. Just recently, ilang pictures ng dalawa ang nag-surface sa social media na nagpakilig sa kanilang fans.
May isang shot kung saan kuha sa isang motorbike store. Apparently, may ipinagawa itong si Matt sa store na ‘yon. Ang isang shot naman ay may mga kasamamang fans ang dalawa na kuha raw after mag-firing ang dalawa.
Say ng isang fan, galing pa si Sarah sa rehearsals samantalang galing naman sa taping ng Dolce Amore itong si Matt. Kahit na pala busy sa career nila ang dalawa ay nakukuha pa rin nilang mag-spend ng quality time together.
Ang nakakatuwa pa sa dalawa, hindi sila maramot sa kanilang fans. Game na game silang mag-pose kaya naman love na love sila ng supporters nila. Ang ganda ng comments sa dalawa, lalo na kay Sarah.
“Ang simple ni Sarah G. iilan lang to sa mga artista na nakakalabas ng walang make up. Konting-konti lang sila. Kung sino pa ung maganda sa totoong buhay sila pa yung napaka humble at hindi nagmamaganda lang… anyway, i hope you had a great day and may God bless the two of you.
Be strong for each other,” say ng isang maka-Sarah. “This couple is so genuine. Sarah is so pretty!” say naman ng isa pa. “They both deserve each other, exudes positive vibes.. a relationship worth emulating..matured relationship, both respectful,” tingin naman ng isang supporter sa dalawa.