NAKAKALOKA ang chikang banned na muli si Manny Pacquiao sa isang sikat na shopping mall sa Los Angeles, ang The Grove. Namataan kasi recently si Manny kasama ang kanyang mga alipores. Malapit lang kasi ang The Grove sa kanyang pinagte-training-an na Wild Card Boxing Gym.
Actually, 10 minutes lang ito mula sa gym.”Manny Pacquiao is no longer welcome,” say ng The Grove owner n a si Rick Caruso na lumabasa sa TMZ report. Nakarating kasi sa kanya ang anti-gay rants ni Manny when asked kung ano ang stance niya sa same-sex marriage.
Nang sabihin ng ko-ngresista na mas masahol pa sa animals ang mga gay ay maraming sector ang umalma. “These are statements of hatred. A lot of people from the gay community come to The Grove and they have a right not to feel uncomfortable,” say pa ni Rick.
Grabe pala ang impact na nilikha ng statement na ‘yon ni Manny, ha. Parang never-ending ang effect niya sa mga tao kaya pati mga businessman ay parang hindi na rin siya feel.
Anyway, hindi lang naman ang The Grove ang shopping center sa LA kaya marami namang choices si Manny kung gusto niyang mag-shopping. Ang nakakaloka lang, parang hindi kawalan si Manny sa The Grove kasi carry nilang i-ban ito.