IN fairness to the new tandem of Angeline Quinto and Michael Pangilinan, ang kanilang entry na “Parang Tayo Pero Hindi” composed by Marlon Barnuevo is shining in this year’s Himig Handog P-Pop Love Songs Competition.
Mataas ang views nito kahit never naman sila na-consider na magka-loveteam. Angeline is identified with Erik Santos while Michael has always been solo though he has been performing with buddies KZ Tandingan, Morisette Amon and Marion Aunor.
Ngayon nga ay magkalaban na naman silang magbabarkada – KZ and Morisette are also interpreters in this year’s Himig Handog while Marion is busy with her out of the country tours.
“Cute kasi ang song namin, yung parang assuming lang ang peg. Maraming makaka-relate talaga rito kasi nga, di ba? Minsan may nakaka-one night stand tayo and akala natin ay tayo na pero hindi pa rin pala. Ha-hahaha!” biro ni Michael.
Anong one night stand, Michael? Kalokang bata ‘to? Dami namang puwedeng i-example, one-night stand talaga ang napili?
“Totoo naman iyon, ‘Nay. May ganoon talaga. What I mean is, meron tayong nai-experience na parang akala mo syota mo na pero hindi pala. Napi-friendzone lang tayo. Kahit may nangyari na like – not necessarily sex, yung naki-kiss mo na, nayayakap mo na, pero hindi pa pala kayo.
Ganoon lang ka-liberated minsan ang iba. Yung iba naman, nari-realize siguro nila na too soon para maging kayo. Kaya tiyaga-tiyaga na lang talaga pag may time. Ha-hahaha!” ani bagets.
Bale 15 silang maglalaban-laban – karamihan sa kanila ay duets. From amongst the more 7,000 entries, 15 lang ang pinili sa kanilang lahat and suwerte naman ni kaibigang Jungee Marcelo dahil dalawa sa entries niya ang pumasok.
Pumapalo na ngayon sa airwaves ang ilan sa entries pero nananatiling favorite namin ang song nina Michael and Angeline. Basta!!! Puwede niyo silang iboto sa MOR 101.9 ha kasi magkakaroon ng MOR’s Choice Awards sa pamamagitan ng text.
Example on how to vote is – just type MORHHSONG12 and i-send sa 2366 para sa lahat ng networks. Number 12 kasi ang “Parang Tayo Pero Hindi” kaya iyan ang in-example ko at siya ring puwede ninyong gawin. Ha-hahaha! Bumili ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 album at piliin ang gustong kanta sa voting coupon na nakalakip sa album at ihulog sa dropbox sa record outlet na pinagbilhan.
“Na-excite ako sa duet naming ito ni Michael, ang ganda ng boses niya, masarap pakinggan. Bagong challenge sa akin ito dahil minsan lang ako nakikipag-duet sa iba, kadalasan kami ni Erik ang magkasama. This time ay iba naman kaya try ninyong pakinggan, makaka-relate talaga kayo,” ani Angge.
Speaking of Michael, napuno na naman niya ang Music Museum last Friday kung saan ginanap ang kanyang “Michael Really Sounds Familiar” concert. Hanep ang performances ng kaniyang mga guests like Kara, Jeffrey Hidalgo, Emil John Olisco, Garie Concepcion, Ate Gay and Boobay and what a surprise nang biglang umapir sa stage ang grand winner ng nakaraang Your Face Sounds Familiar Season 2 na si Denise Laurel.
“Nagulat ako dahil ang alam ko nasa Bali si Denise. Wala talaga sa hinagap ko that she will surprise me with her presence,” ani Michael. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang ating Harana Prince dahil halos lahat ng malalapit sa puso niya ay dumating para suportahan siya sa show.
“Ibang klase na si Michael. Malayo na talaga ang narating. Nag-develop sobra ang boses niya. Everytime na mag-show siya palaging may bago siyang inu-offer sa kaniyang audience kaya hindi siya nakakasawang panoorin.
Thanks for entertaining us with your music, Michael baby,” sabi naman ng ating colleague na si Leo Bukas. Congrats baby! Ikaw na talaga! Halatang inspired na inspired ka anak. Congrats!