Sarah napagod na sa Showbiz kaya ayaw nang tumanggap ng trabaho?

sarah geronimo

NAPAGOD na ba si Sarah Geronimo sa showbiz? Kaya namin naitanong ito ay dahil ayaw na raw muna niyang tumanggap ng anumang klase ng project, ayon mismo sa isa naming source.

Nagsimula ang isyung ito nang mainterbyu si Lea Salonga sa TV Patrol bilang isa sa coach ng The Voice Kids, ayon sa singer-actress, “I can neither confirm nor deny and I’m sure an announcement will be forthcoming. For sure me and Bamboo will still be there.”

Pagkatapos kasi ng I Love OPM ay The Voice Kids Season 3 na ang kasunod kaya nagtaka ang lahat bakit walang Sarah Geronimo, e, isa siya sa madalas mapili ng mga bagets bilang coach nila.

Si Sarah din ang voice coach ng unang grand winner sa The Voice Kids na si Lyka Gairanod. Tinanong namin ang taga-ABS-CBN tungkol dito at nabanggit na, “Mag-aaral daw si Sarah,” sabi sa amin.
Kuwento naman ng source namin, “Wala daw muna siyang tatanggapin na project baka na burnout na, concert lang gustonh gawin. Baka gusto na mag-asawa?”

Hala, hindi naman siguro pag-aasawa ang gustong gawin ni Sarah dahil hindi pa naman yata handa ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na maganda ang takbo ng career ngayon.

Ang pag-aaral ang gusto naming isiping matinding dahilan ng singer-actress kaya ayaw muna niyang tumanggap ng projects at kasama na nga ang The Voice Kids. Paano kaya ang ASAP, hindi ba’t isa siya sa main hosts doon?

Kung hindi mahihilot si Sarah G ay sina Lea, Bamboo at Apl.de.Ap na lang ang magiging coach sa The Voice. Samantala, wala pa raw inilalabas na official statement ang Viva na namamahala sa karera ni Sarah dahil wala pa sa bansa si Ms. Veronique del Rosario- Corpus dahil kasama sila sa JaDine world tour.

Sabagay, matagal ng nababanggit noon ni Sarah na gusto niyang mag-aral kasi nga naman lahat ng mga kapatid niya ay nag-aaral at siya ang nagpapaaral kaya tama lang din na magtapos din ang dalaga habang kumikita pa siya.

Read more...