PARANG kwento ng pelikula ang $81milyon na pagnanakaw sa Central Bank ng Bangladesh na napunta sa mga casino natin.
Si bank manager Maia Deguito ang dinidiin ng RCBC at ng negosyanteng si William Go. Sabi ni bank officer na si Romualdo Agarrado at messenger na si Jovie Morales, isinakay ni Deguito ang P20 milyon cash sa kanyang kotse.
Pero sabi naman ni officer Angela Torres, sa Lexus na SUV ni Go isinakay ang pera at pumirma pa ng resibo. Kayat merong nagsisinungaling dito.
Ang sigurado rito ay dalawa ang dinaanan ng nakaw na pondo – ang RCBC at ang PhilRem Services Corporation (PHILREM) ni Ms Salud Bautista.
Bagamat may stop payment order mula sa US Federal reserve of New York sa Bangladesh Central bank noong Pebrero 4, naipadala ito ng BCB sa RCBC ng Pebrero 8, pero Chinese New Year holiday sa Pilipinas.
Nag-resend sila noong Martes Pebrero 9 pero nakalabas na ang pera sa RCBC at napunta na sa PHILREM.
Kung tama ang mga timeline na lumalabas sa mga financial investigations, suriin niyo ang remittance ng PHILREM sa mga diniliber nilang pera sa casinos FEB. 5- P665M sa apat na “tranches” sa Solaire/Bloomberry FEB. 9- P8M Solaire/Bloomberry FEB 10-P800M Solaire/Bloomberry FEB 10-P1B 2 “tranches” sa Eastern Hawaii Leisure FEB 5- P600M Wei Kang Su FEB 13-$18M Wei Kang Su.
Nakakalula kung iisipin na ang bawat isang malaking armored car ay kaya lamang magdala ng P40 milyon hang P50 milyong cash, at kung P3.7 bilyon iyan, aabutin ng 60 na armored van ang ginamit.
Bakit sa kabila ng stop payment ng Bangladesh CB noong Pebrero 9, itinuloy pa rin ang diniliber na higit P2 bilyon sa casino hanggang Pebrero 13?
May nakikinig ba sa RCBC o sa PHILREM? Isa pang malaking tanong, saan ipinarada ng PHILREM ang $81 milyon denomination? Sa RCBC treasury din ba? O sa ibang mga bangko ?
Saan kumukuha ng instructions ang PHILREM sa pagpapalit ng dolyar? Sino-sino ang mga “money changers” na ka-deal nila rito?
Paano naman ipinalit naman sa dolyar ang nasabing peso deliveries para mailabas ng Pilipinas. Sino ang mga nagpalit ng mga peso para maging dolyar? Ang Solaire/Bloombery ba? Eastern Hawaii Leisure casinos?
Paanong nakalabas ang mga dolyar na iyan sa bansa? Kumplikado masyado at hindi yata tama na kay Deguito lang isisi ang pinakamalaking nakawang yumayanig ngayon sa International banking at financial system. Hindi niya kayang mag-isa ang money laundering na ito.
Maaring ginawa lang niya ang kanyang role pero ang mga tunay na mastermind ang siyang kumilos sa bandang huli. Maraming dapat ipaliwanag ang PHILREM.
Nalulungkot din ako kung bakit “hilaw na hilaw” ang aksyon ng Aquino administration dito. Bakit pinababayaan hinahayaan na ang mga senador lang mag-imbestiga rito “in aid of legislation” and “reelection”?
Ang dapat nagpatawag na ng imbestigasyon ang DOJ, DOF, AT Central Bank dahil ang nakataya rito ay karangalan ng bansa sa international financial community. Bakit nauna pa ang US-FBI? Ayaw ba ng Malakanyang na maimbestigahan ang mga “casino”?
Aquino admin malamig sa pagsilip sa $81M money laundering
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...