Sulat mula kay Imelda ng Antonio Village, Matina, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon bilang care giver. Dati na akong nag-aplay pero hindi ako natuloy, noong una nabagsak ako sa medical nito naman pong pangalawa na-illegal recruiter ako. Pero kailangan ko kasi talagang mag-abroad para makatulong sa aking pamilya. At isa pa sa ngayon ay may tumutulong naman po sa akin na pinsan ko na nasa abroad din. Itatanong ko lang po sana kung matutuloy na kaya ako ngayong taong ito ng 2016? June 5, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Imelda ng Matina, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat may Guhit ng Hadlang, (Illustration 1-1, arrow 1.) nakalusot at nagpatuloy pa ring humaba ang Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, matapos ang katakot-takot at maraming mga pagsubok, sa bandang huli, dahil sa
iyong kakulitan, matutupad mo rin ang iyong pangarap na makapag-abroad.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Six of Diamonds at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, maaaring ito nga ang iyong pinsan, sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Hunyo, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy….
Makapag-aabroad na ba ngayong 2016?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...