GOOD morning po mam.
Ako po si SARIO T. BUTANLOG, taga Davao po, at isang msecurity guard ng PNB Davao.
Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo tungkol po sa SSS, PhilHealth remittances namin. Panay kaltas ang agency namin para sa aming SSS contribution at Philhealth tuwing sweldo namin. Tapos nang mag-inquire ako sa SSS wala namang laman. Hindi hinuhulugan ng LEGASPI SECURITY AND
INVESTIGATION AGENCY,INC since 2011-2013, pagkatapos po 2014 July 1,until now.
Hindi o wala akong name doon sa SSS.
Sana ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat po.
Sa iyo Sario, bago namin ihatid sa SSS ang inyong concern, maaari po ba ninyong ipadala sa amin ang SSS number mo at kopya ng payslip na nagpapatunay na kayo ay kinakaltasan ng inyong ahensiya para sa inyong SSS contribution.
Aksyon Line
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Upang maberipika po namin ang inyong PhilHealth contributions, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:
Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name)
PhilHealth Identification Number (PIN)
Araw ng Kapanganakan:
Tirahan:
SSS Number
Asahan po ang aming agarang pagsagot sa oras na matanggap ang mga nasabing detalye.
Maraming salamat po.
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.