MAPAPANOOD ang last episode ng Kris TV ni Kris Aquino sa March 23. Pansamantala muna siyang mawawala sa limelight because of health and other personal concerns.
Sa recent episode ng kanyang morning show, napag-usapan ang naka-schedule na niyang pagta-travel kasama ang mga anak na sina Joshua and Bimby. Magse-celebrate na rin ng kanyang 21st birthday si Josh kaya raw tinanong niya ang anak kung saan nito gustong mag-celebrate?
“He also got to choose, namili kami. I showed him all the possible resorts siyempre meron siyang isang pinili na sabi ko, ‘Kuya pasensiya na at that point ang mahal. Ang income ni Mama won’t be the same at that point so pwedeng du’n tayo sa eto, eto lang ah, dito ka lang mamili.’ So meron siyang nahanap tapos it’s as nice but 1/3rd the cost of where Josh initially wanted to go,” kuwento ni Kris.
Narinig daw ito ni Bimby kaya tinanong si Kris ng, “Why, are we gonna be poor?” na sinagot naman ng TV host ng, “No! Relax it’s just that gusto kong matuto kayo.”