Swerte ba sa negosyong kainan? (2) | Bandera

Swerte ba sa negosyong kainan? (2)

Joseph Greenfield - March 19, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Aleng ng Legaspi St., Ilawod, Roxas City
Problema:
1. May nakuhang malaking halaga ng pera ang mister ko ng mag-resign siya sa trabaho at balak naming magnegosyo. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung bagay ba sa aming mag-asawa ang ang negosyong karenderya o tindahan ng mga pagkain o kaya’y tipong isang maliit na restaurant. Ang mister ko naman ang gusto nya ay magtayo daw kami ng grocery o kumuha ng puwesto sa palengke at bigas daw ang isa sa mga magandang produkto.
2. Bagay din kaya sa amin ang ganoong negosyo? Kung hindi bagay sa amin ang karenderya o grocery ano naman ang mare-rekomenda nyo para kami ay umunlad at yumaman? February 14, 1972 ang birthday ng mister ko at October 23, 1979 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Aleng ng Roxas City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 1.) ang nagsasabing higit kayong yayaman sa grocery kaysa sa lutong pagkain, pero kailangan idenideliver o ni ro-rolling. Ang produkto kasing magpapayaman sa inyo ay iyon nga, kailangang napupunta o dinadala sa iba’t-ibang probinsiya, bayan, baranga’y, o lugar –sa ganyang negosyo kayo yayaman.
Numerology:
Ang birth date mong 23 at 14 naman ang mister mo ay nagsasabing compatible kayo at susuwertehin nga sa negosyo, higit lalo kung gagamit kayo ng kulay na red at silver o kaya’y metallic blue or poweder blue. Sa nasabing kulay tuloy-tuloy na kayong aasenso at magtatagumpay.
Graphology:
At upang malubos ang pagyaman, kailangang dalawang initial lang ang lagda, initial ng pangalan at middle name tapos aplido na. Sa ganyang lagda, maikli lang at simple mas madaling makakamit ang pag-unlad at ang pagyaman.
Huling payo at paalala:
Aleng ayon sa iyong kapalaran tunay ngang mapalad kayong mag-asawa sa negosyo basta ang mahalaga, sundin nyo lang ng sundin ang mga rekomendadong diskarte sa itaas, at kapag nasunod nyo ‘yan, tiyak ang magaganap, kung sa taong ito ng 2016 o kaya’y sa susunod na taong 2017 kayo magsisimula, mabilis ang magaganap, paglipas ng apat hanggang limang taon pa, sa taong 2021, sa edad mong 42 pataas at 49 naman si mister, dahil sa nabanggit ng negosyo mayamg-mayaman na kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending