Horoscope, March 19, 2016 | Bandera

Horoscope, March 19, 2016

Madam Sophia - March 19, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung mananatili ang ugaling “clear minded” at pratikal na diskarte ang lagi ng ipatutupad mas madali kang magtatagumpay at uunlad. Sa pag-ibig, upang wag makalasap ng matinding kalungkutan, wag magseryoso. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pag-ibig may tuksong darating! Kung alam mong mali, ang iyong ginagawa, tumigil ka na agad, bago tuluyang mapahamak. Sa pinansyal, habang nanatili ang kabutihan sa puso, lalong gaganda ang lagay ng kabuhayan. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ilunsad ang programang malawakang pagtitipid. Wag bilin ang mga bagay na hindi naman kailangan. Sa pag-ibig, i-encourage na rin ang kasuyo na magtipid upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung hindi napahiram ng salapi ang iyong kaibigan dahil kapos ka rin, bigyan siya ng libre at walang bayad na moral support upang mas madali siyang maka-recover sa mga problema. Sa pag-ibig isang Libra ang patuloy na aalialigid. Mapalada ng 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pag-ibig, habang patuloy mong minamahal ang isang tao sa kabila ng wala kang hinihintay na kapalit, mas lalong kang pagpapalain ng tadhana. Sa pinansyal, ituloy ang negosyong may kaugnayan sa summer, tulad ng halo-halo at samalamig. Mapalad ang 7, 11, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kung hindi mag iingat mai-intriga ka na naman na ikapapahamak ng iyong career. Umiwas sa mga taong kayumanggi ang kulay at may mahabang buhok. Sila ang posibleng rumaket at manloko sa iyo. Mapalad ang 4, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Upang kumita ng mas malaking halaga, sa bawat desisyon, isunod agad-agad ang pagkilos. Sa pag-ibig, isang Aquarius ang muli mong hahanggan, ngunit wala ring mainit na relasyong mabubuo. Ang tunay mo kasing ka-compatible ay ang isang Taurus. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Green at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mararamdaman mo ngayon na hindi pa rin kumulupas ang iyong karisma. Gamitin ang likas na magnetismong tinataglay, sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 9, 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, wag ikuwento sa bestfriend ang personal mong buhay, dahil sa bandang huli, ang bestfriend mo ring ito na isang Leo ang magpapahamak sa iyo. Sa pinansyal, wag ipahalata sa mga kasama sa bahay na marami kang pera, uutangan ka lang nila. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung ang mga hayop ay napapa-amo, kaya mo ring paamuhin ang kasuyong masungit. Mamayang gabi, bigyan siya ng isang bagay na bilog, kulay puti at masarap higupin. Sa pinansyal, sa pag-aalaga ng hayop, may kakaibang suwerteng darating. Mapalad ang 6, 12, 19, 27, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit hectic ang schedule, maglaan pa rin ng oras sa kasuyo upang lalong uminit ang pagmamahalan. Sa pananalapi, ang pagiging busy ay may katubas na malaking halaga ng salapi sa susunod na mga araw. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi kaman sikat ngayon, pero hindi mo ba napapansin, marami pa ring lihim na humahanga sa iyo. Ganyan talaga ang mga Aquarius sa pag-ibig, walang lantad na relasyon puro palihim lang. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng perang hindi inaasahan. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansyal, sundan ng pagkilos ang malikhaing imahinasyon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, walang mangyayari kung puro pangako ang sinasabi sa kasuyo, dapat mo ring tuparin ang iyong promise – ngayong tag-init ayain siyang mag-swimming. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Black at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending