MANANATILING isang Kapuso ang award-winning TV host at comedian na si Michael V. matapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7.
Ayon kay Bitoy, hindi niya iiwan ang Kapuso Network dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pinakamagandang break sa kanyang showbiz career. Masaya siya sa pag-aalaga at pagpapahalaga na ibinibigay ng GMA sa kanya for more than 20 years na kaya naman mananaig ang loyalty niya sa kanyang home network.
Very proud si Bitoy dahil patuloy na tinatangkilik ng manonood ang Bubble Gang at Pepito Manaloto maging ang kasisimula pa lang na Lip Sync Battle Philippines.
Ayon naman kay Atty. Felipe Gozon, “I am more proud that he is with us. Ang hindi niyo alam, si Michael ay hindi lamang talent na nagpe-perform in front of the camera. Malaki ang kanyang naco-contribute sa paggawa ng mga shows niya. He is not only a comedian, he is also a director, a writer and a very, very decent artist.”