Alden hiyang-hiya sa titulong Endorsement King: Gusto ko lang maging Alden Richards!

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

WALANG duda, si Alden Richards na nga ang bagong “TV commercial King” ng kanyang henerasyon dahil sa sandamakmak na endorsements niya ngayon.

Talagang paramihan sila ng TV ads ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza. Pero ayon sa Pambansang Bae, hindi niya alam kung ilan na ang eksaktong commercial niya na ipinalalabas ngayon sa telebisyon.

Hindi rin daw siya nagpapaapekto sa bagong bansag sa kanya na Endorsement King, pero nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanya bilang brand ambassador.

“Naku naman po! Yun nga po, kasi even before talaga, hindi po ako fan ng titles. Like primetime prince, endorsement king, ganyan…kung meron man tumawag sa akin ng ganu’n, salamat po.

“But I’m really not entertaining the thought of having titles in this industry. I am just Alden Richards,” ang pagpapakumbaba ng Kapuso matinee idol nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon niya sa bagong titulong ikinakabit sa kanyang pangalan.

Dugtong pa niya, “I enjoy the blessings that are coming in. Then, kapag natatanggap ko yung blessings na ‘to, I am thinking of ways how to use it para makatulong sa iba.

“But siyempre, my priority is family first. Work lang nang work. Blessings pa more! Thankful po ako sa lahat,” aniya pa sa nakaraang presscon para sa kanyang bagong endorsement na Neozep Forte.

Read more...