Kean Cipriano na-shock sa biglang pagkamatay ng tatay

SI KEAN CIPRIANO AT ANG KANYANG AMA

SI KEAN CIPRIANO AT ANG KANYANG AMA

PUMANAW na ang tatay ni Kean Cipriano na si Edgie Cipriano kaninang umaga dahil sa cardiac arrest. Si G. Edgie ay 52 years old.

Ito ang dahilan kung bakit biglang na-cancel ang presscon sana ni Kean para sa kanyang bagong pelikula na “Echorsis” kung saan kasama niya si John Lapus.

Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Kean ang kanyang mensahe para sa kanyang namayapang ama. Kalakip nito ang isang larawan nilang mag-ama na magkayakap.

“This is the saddest day of my life. Dumating ang araw na pinakakinakatakutan ko.

“Ang bilis, nakakagulat, pero alam kong everything is written in heaven and everything is in God’s will.

I will miss you, Dad!

“I’m sure the angels will take good care of you. I’m sure you’re in a peaceful place now! At alam kong magkikita din tayo d’yan one day!”

Dugtong pa ng bokalista ng bandang Callalily, “Thanks for devoting your life to our family. For living an awesome life with us and for us.

“Dadalhin ko lahat ng natutunan ko sa ‘yo habangbuhay! Kasama ka sa lahat ng pangarap ko! Mami-miss kita kakwentuhan, kaasaran at kainuman! Mami-miss ko na yakapin at halikan ka!

“Yung tawa mo, yung boses mo… Lahat!! Lagi kang nasa puso ko!!! You will always be my idol and my inspiration! I love you so much, Dad!

“I promise to take good care of mommy and my brothers! Please always watch over us!

“We’ll be strong for you! Mahal na mahal ka namin, Daddy! Maraming nagmamahal sa ‘yo at maraming kami na pinagdadasal ka. Alam kong makakarating sa ‘yo ‘tong post na ‘to!!

“Cheers Dad!! MAHAL NA MAHAL KITA! Lagi kang nasa dasal ko.

“Rest in peace! Maraming Salamat, Dad!

“Your baby boy, Kean

“PS: Life is too short. Kaya habang may oras pa tayo sa mundo, mahalin n’yo ang mga magulang n’yo.

Peace!”

Read more...