TOTOO at hindi dinaya ang halikan nina Regine Velasquez at Mikael Daez sa bagong primetime series ng GMA 7 na Poor Señorita na magsisimula na sa March 28 pagkatapos ng 24 Oras.
Yes, pumayag ang Asia’s Songbird na magkaroon ng kissing scene at love scene kay Mikael kahit na nga may takot siya sa posibleng maging reaksiyon ng kanyang anak na si Nate.
Ayon kay Regine, talagang itinodo na niya ang halikan nila ni Mikael para wala nang take 2 or take 3.
“Meron lang akong konting fear about the kissing scene and about being with Mikael, because I know my son will see it.
“And knowing my son, he would say, ‘Why are you kissing him?’ ‘Huwag kang ganyan anak, nagsasamantala lang ang nanay mo! Batang-bata (si Mikael)!’ Ganu’n ‘yon!” tawa nang tawang chika ng Songbird sa nakaraang presscon ng Poor Señorita.
Pag-amin pa ng misis ni Ogie Alcasid, “I’m a little nervous but like I said, it’s part of my work and there’s always a way of talking to our children naman. There’s always a way of explaining things to them.
“As long as alam naman ni Direk Dom (Dominic Zapata) at ng production ‘yung limitations. Like I said, hanggang saan ba ‘yung puwede nating ipakita sa television? Siyempre, meron din talagang limitation bilang it’s free and kids can see it. Ganu’n lang,” dagdag pa nito.
Sa kuwento ng serye, isang super rich si Regine na naghirap matapos mawala sa kanya ang lahat-lahat, including her family. Nalaman din niya na meron siyang cancer at tinaningan na rin ang buhay niya.
Kaya ang ending, nagdesisyon siyang magpakaligaya sa buhay at gawin ang lahat ng gusto niya, kabilang na ang makipag-blind date at makipag-one night stand.
Pero siyempre, sey ng Songbird, wholesome pa rin ang atake nila sa mga eksena dahil nga maaga ang kanilang timeslot.
“Yung kissing scene, kasi ako hindi ko talaga ‘yan dinadaya. Ano ka ba, ‘teh?! Kaya todo na! Ano ba!” pabaklang chika pa ni Regine.
Pero bawi ng Songbird, “‘Yung mga ganyang kissing scene, hindi naman ako 16 years old, ‘teh! Pero alam ko naman kung hanggang saan ang limitation. Kung mga gano’n, smack lang naman ‘yon.
Patatagalin mo lang nang konti. At saka on TV kasi, it doesn’t also look nice na ‘yung totoong kiss.
“Malaswa tingnan. So, there’s a way of doing it na nakakakilig, romantic.”
Nang tanungin naman kung na-experience na ba niya ang makipag-one night stand sa tunay na buhay,
“Kasi, ang paniniwala ko, it should only be your husband. It’s like a gift. ‘Yung purity mo, you give to your husband. That’s how I see it.
“Pero ngayon, hindi na ako pure. Puwede na siguro! Gusto mo ‘yon?!” hirit pa ni Regine.
Kanino niya gustong makipag-one night stand if ever? “Sa kanya (Ogie) pa rin! Ha-hahaha! Ano na lang, pretend-pretend na lang kami. Minsan, magsasaka siya, hardinero…okey na ‘yon! You have to make it exciting!”
Ang Poor Señorita ang papalit sa magtatapos nang Little Nanay sa GMA TeleBabad. Kasama rin dito sina Snooky Serna, Sheena Halili, Kevin Santos, Valeen Montenegro, Jaya, Ervic Vijandre, Jillian Ward, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Caprice Cayetano, Ralph Noriega, at ang Starstruck Season 6 1st princess and prince, Ayra Mariano and Elyson De Dios.