Rocco, Lovi ipinaglaban ang love kay nagkabalikan

ROCCO NACINO AT LOVI POE

ROCCO NACINO AT LOVI POE

ANG feeling namin ay nagkabalikan na nga sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Nang iwasan ni Rocco na sagutin ang tanong namin kung nagkabalikan na sila during his shoot for an indie film, “Bar Boys”, ay alam na alam naming nagkabalikan na sila. Kung hindi kasi ay ang dali-dali naming sagutin ng tanong namin, ‘no.

Ang say ni Rocco, nag-dinner nga sila ni Lovi sa shooting ng indie film niya pero hanggang doon lang ang kanyang masasabi.

Now, may lumabas sa isang popular website ng photo na ipinost nina Lovi at Rocco suggesting they were in one party, kaya naman patanong ang title kung nagkabalikan na sila.

We felt na yes, nagkabalikan na sila, ayaw lang nilang umamin! And according to some of their followers in love na in love pa rin ang dalawa sa isa’t isa, may nakikialam lang daw sa relasyon nila kaya biglang nagkalabuan.

Happy din ang kanilang fans sa balitang nagbalikan na ang dalawa dahil nakakapanghinayang nga naman ang ilang taon nilang relasyon. Sana lang daw huwag na silang panghimasukan ng “outside forces”.

Read more...