Ritz Azul susundan na si Arci Muñoz sa ABS-CBN

RITZ AZUL AT ARCI MUNOZ

RITZ AZUL AT ARCI MUNOZ

NAKITA naming may kausap na talent coordinator si Ritz Azul kahapon sa Grub Restaurant ng ABS-CBN kasama ang kanyang daddy.

Mukhang gusto siya ng kausap na talent coordinator at tila may mga binabanggit ng programa na puwedeng ilagay ang aktres na unang nakilala sa TV5 bilang grand finalist sa talent search na Star Factor noong 2010.

Maraming naging shows si Ritz sa Kapatid network at masasabing inalagaan din naman siya ng istasyon at naniniwala kaming may ibubuga rin sa acting ang dalaga.

At ngayong walan nang station produced ang TV5 sa entertainment ay nawalan na ng career si Ritz dahil hindi naman siya kinukuha ng Viva management para isama sa mga nila-line produce nilang mga programa.

Kaya habang kilala at hindi pa nakakalimutan ang pangalan ni Ritz, e, tama lang na magsariling sikap siya at humanap kung saan siya pupuwedeng magkaroon ng trabaho.

In fairness, napakabait na bata ni Ritz, propesyunal at higit sa lahat hindi pasaway sa mga nakatrabaho at staff ng produksyon. Sana mabigyan din si Ritz ng chane sa Kapamilya network tulad ni Arci Muñoz na matagal din bago napansin. Goodluck Ritz!

Read more...