Sa pagko-call center uunlad (2)

Sulat mula kay Anna Lorie ng Talipapa, Novaliches, Quezon City
Problema:
1. Tapos po ako ng education kaya lang hindi ako nakapasa sa LET kaya tinatamad akong magturo, lalo na sa mga private school na maliit ang suweldo. Kaya naisipan kong sa call center na lang ako mag-aplay. Sa ngayon po ay nag-aaplay ako sa call center kaya lang ay hindi pa ako tinatawagan.
2. Itatanong ko lang kung may pag-asa kaya akong mapasok sa call center at kung sakaling mapasok ako gaganda naman kaya ang career at income ko sa kumpanyang papasukan ko? December 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Anna Lorie ng Novaliches, Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi lang paco-call center ang magiging career mo, bagkus ang tunay mong sadlakan ay ang pangingibang bansa, kung saan sa ibang basa na related din sa nature ng iyong trabaho mas maraming kita at magandang kapalaran ang nakalaan.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing matapos kang ma-promote sa iyong trabaho, bilang call center, sa taong 2021 sa edad mong 32 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang tuloy-tuloy na palarin sa anomang iyong ginagawa, iminumungkahing lagi kang gumamit ng kulay na pula, gray at silver. Sa nasabing kulay marami pang suwerte at magagandang kapalarangkang naghihintay sa iyo.
Graphology:
Upang lalo pang mapanuto ang iyong career at aspetong pang-financial, lagyan mo ng bilog na buntot ang letrang “y” sa iyong lagda. Kapag naging bilog ang lower loop ng letrang “y” sa iyong pirma, tuloy-tuloy ka ng aasenso at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Anna Lorie ayon sa iyong kapalaran, Oo nga’t sa taong ito mapapasok ka sa isang call center company, subalit hindi pa dyan nagtatapos ang iyong napa-gandang career. Sa halip, tulad ng nasabi na sa taong 2021, may isang mabungang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran. At sa nasabing panahon sa edad mong 32 pataas, sa ibang bansa, duon ka na nga tuloy-tuloy na uunlad, aasenso at habang buhay na magiging maligaya.

Read more...