Sinibak na gov kinasuhan

er ejercito
Sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang sinibak na si Laguna Gov. Jeorge Ejercito Estregan kaugnay ng maanomalyang insurance contract na pinasok nito noong siya ay alkalde pa ng Pagsanjan noong 2008.
Bukod kay Estregan, kinasuhan din sina Crisostomo Vilar, dating Pagsanjan vice mayor Crisostomo Vilar at mga dating konsehal na sina Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti, Gener Dimaranan at Ronaldo Sablan at ang may-ari ng insurance company na si Marilyn Bruel ng First Rapids Care Ventures.
Ayon sa reklamong isinampa ng Ombudsman, kumuha ng kontrata ang lokal na pamahalaan upang magkaroon ng insurance ang mga bangkero at turista sa Pagsanjan Gorge Tourist Zone.
Pero hindi umano idinaan sa public bidding nag transaksyon kaya nabigyan ng pabor ang kompanya ni Bruel.
Hindi rin umano lisensyado sa Insurance Commission ang FRCV na magbigay ng insurance policy.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.
Si Estregan ay nasibak matapos umanong lumagpas ang gastos niya noong 2013 elections sa pinapayagan ng batas.

Read more...