Zambales nilindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.8 ang Zambales kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:46 ng umaga. Ang sentro ng lindol ay natunton 17 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales. Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Clark, Pampanga at Iba, Zambales at Intensity I sa Dagupan, Pangasinan. Walang inaasahang napinsala ang lindol at hindi rin inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.

Read more...