Michael, Angeline birit showdown sa Himig Handog

MICHAEL PANGILINAN AT  ANGELINE QUINTO

MICHAEL PANGILINAN AT ANGELINE QUINTO

HANDANG-handa na ang anak nating si Michael Pangilinan para sa kanyang “Michael Really Sounds Familiar” na gaganapin tonight sa Music Museum, at 9.

Magiging special guests niya sa concert na ito sina Garie Concepcion, Ate Gay, Boobay, Kara and former Smokey Mountain sensation Jeffrey Hidalgo and a very surprise guest under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.

Magiging front act ng show ang cancer survivor cum violinist na si Emil John Olisco.

“Talagang nag-aral ako ng mga bagong kanta para may bago naman akong maiparinig sa mga pupuinta sa concert. Meron akong ibinalik na dating songs pero sinisiguro ko na makaka-relate ang lahat sa mga hinanda kong songs.

May mga hugot, may konting pasabog. Ang promise ko lang, pa-good vibes lang tayong lahat. Malay niyo, baka may gawin akong kababalaghan sa show. Ha-hahaha! Joke lang!” sabi ni Michael.

Naghahanda na rin sa kasalukuyan si Michael para sa finals night ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 kung saan makaka-duet niya si Angeline Quinto.

Kahapon, ginanap ang grand presscon ng Himig Handog sa Luxent Hotel sa Q.C. at well-applauded ang lahat ng entries kung saan dumalo ang mga interpreters with theis year’s composers and songwriters.

Kakantahin nina Michael and Angeline ang “Parang Tayo Pero Hindi” composed by Marlon Barnuevo na birit kung birit talaga. Bagay na bagay ang boses nilang dalawa sa kanta. Ang grand finals ay gaganapin sa Kia Theater on April 24, 2016 to be hosted by Robi Domingo, Enrique Gil, Liza Soberano at Kathryn Bernardo.

“Nakakatuwa dahil maraming members ng press ang nagkagusto sa kanta namin ni Angeline. Basta keep on voting lang for the song sa MOR. Bukod diyan, excited na rin ako sa malapit nang pag-release ng second album ko sa Star Music with eight tracks. Natapos ko akong ma-recording at inaayos na ang pag-release nito very soon.

“Sa May 4 na rin ang final showing ng ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako The Movie’. Kasama ko naman dito sina Edgar Allan Guzman at ang nag-iisa nating Superstar na si Mama Nora (Aunor), nandiyan din sina Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Katrina ‘Hopia’ Legaspi. Maganda ang kinalabasan ng movie, modesty aside. Ganda ng pagkadirek ni Tito Joven Tan,” mahabang kuwento pa ni Michael.

Anyway, this concert wouldn’t be made possible kung hindi dahil sa tulong ng mga kaibigan natin like our following presenters, Estiara Perfume, Belo Medical Group and Isabela Gov. Bojie Dy. Tickets are available at the gate.

Read more...